Eagle Eye Security Risk Advisor

My photo
Mindanao, Philippines
Security Risk Advisor is your eyes and ears of the ground, providing you an updates of what’s happening around in Mindanao Region, and knowing in advance of what’s going to happen in the next few days which shall serve as basis in the planning for proactive security measures.

14 April 2011

Mga pangunahing alituntunin para sa ligtas na paghawak ng baril (Gun Safety)


Tip 1. Laging panatilihing ang baril ay nakatutok sa isang ligtas ne direksyon. Ito ang pangunahing patakaran ng baril sa kaligtasan. Siguraduhing nakatutok ang dulo ng baril sa isang ligtas na direksyon. direksyon na walang tatamaang bagay o tao sakaling ito ay pumutok.

Tip 2. Laging panatilihing ang iyong mga daliri ay malayo sa gatilyo hanggang handa nang bumaril. Kapag hawak ang baril, i tabi ang iyung mga daliri sa trigger guard o malapit sa gilid ng baril, hanggang ikaw ay handa ng pumutok huwag ilagay ang daliri sa trigger.

Tip 3. Laging panatilihing ang baril ay diskargado hanggang handa na itong gamitin. Kung ang baril ay may magazine, alisin ito bago ang pag bubukas ng aksyon at mag hanap ng silid isang ligtas na lugar o sa pag aalis ng bala. Kung hindi mo alam kung paano buksan ang aksyon o pag aalis ng bala, isukbit ang baril at kumuha ng tulong mula sa isang taong nakakaalam.

Tip 4. Alamin ang iyong target at kung ano ang nasa dako. Siguraduhing walang kahit na anong bagay o buhay ang makikita lagpas sa iyong target. Magkaroon ng kamalayan sa mga lugar na lagpas sa iyong target. Huwag puputok sa isang direksyon kung saan may mga tao o anumang iba pang mga potential na bagay na maaring tamaan.

Tip 5. Alamin kung paano gamitin ang baril sa isang ligtas na pamamaraan. Bago humawak ng baril, mabuting malaman kung paano ito gamitin. Alamin ang ibat-ibang bahagi ng baril paanong buksan at isarado ang aksyon nito at paano alisin ang magazine at bala nito sa baril. Tandaan, ang kaligtasan sa pag hawak ng baril ay nakasalalay sa kaalaman ng taong may hawak nito.

Tip 6. Siguraduhing ligtas na gamitin ang isang baril. Tulad din ng iba pang mga kasangkapan, ang baril ay kailangan din ng regular na pag-aalaga upang mapanatili ang kaligtasan nito. Madalas na paglilinis at tamang imbakan ay bahagi ng pangkalahatanng pag-aalaga ng baril. Kung may anumang katanungan tungkul sa kakayanan ng isang baril, huwag mag atubiling kumunsulta sa isang eksperto.

Tip 7. Gumamit ng tamang bala para sa iyong baril. Karamihan sa mga baril ay may bala na ang uri ay naka tatak sa barrel. Ang paggamit ng maling bala ay maaring maging sanhi ng pagkasira ng baril at pagkasugat o pagkamatay ng gagamit.

Tip 8. Magsuot ng proteksyon sa mata at tainga kung kinakailangan. Matatandaang ang baril ay may malakas na tunog na maaring maging sanhi ng pagkasira ng pandining. Ito rin ay nagbubunga ng mainit na gas na maaaring makapinsala sa ating mga mata. Sa tuwing puputok, dapat ay magsuot ng proteksyon sa mata at tainga.

Tip 9. Huwag uminom o gumamit ng alak o anumang gamot na nabibili sa botika bago o habang ikaw ay puputok ng baril. Ang alcohol o anumang nakalalasing na inumin ay nagiging sanhi ng mabagal na paggana ng ating pagiisip  at pisikal na pangangatawan kung kayat mas makabubuting umiwas dito kung ikaw ay hahawak o gagamit ng baril.

Tip 10. Paglilinis. Ang madalas na paglilinis ng ating baril ay mahalaga upang ang iyung armas ay maayos na gumana. Sa pagaalaga ng tama sa ating baril mapapanatili natin nang maayos na paggana nito at pinapahaba pa nito ang buhay. Kung kayat kinakailangan linisin ang ating baril sa bawat panahon na ito ay ginagamit. Ang baril na matagal ng nakaimbak ay dapat ding linisin. Ang naipung dumi, grasa at langis ay maaring magdulot ng pagkasira ng ating baril sanhi ng hindi maayos na paggana nito

Albert Einstein

“The world is a dangerous place. Not because of the people who are evil; but because of the people who don't do anything about it.” ~ Albert Einstein 1879-1955